Monday, August 11, 2014

SUHESTYON WALANG MASAMA DYAN... PWEDENG PAKINGGAN ,PWEDENG HINDI.

SUGGESTIONS STILL SUGGESTIONS
NASA MANAGEMENT YAN..

Maaari gaya din ng ibang fans sya na may roong suhestyon sa ating
paboritong koponan , koponang deka dekada na nating hinahangaan,
ang iba nag sasabi BGSM needs Calvin Abueva, Ronnie Matias,
Gabby Espinas or Sean Anthony (Harvey Carey atbp.)

One of BGSM Fan
READ:
An Open Letter to Barangay Ginebra
Sa mga kagalang-galang na boss ng San Miguel Corporation, Barangay Ginebra San Miguel Management, coaching staff, players.
Bago po akong dumako sa aking punto sa liham na ito, nais ko pong ipakilala ang aking sarili. Ako po si Carlo Hizon, isa sa milyun-milyong tagahanga ng Barangay Ginebra. Bata pa lamang ako ay naging saksi na ako sa pamamayagpag ng koponan. Sa katunayan, ang aking ama – si Leonard Hizon, ay masugid niyo ring tagahanga mula pa sa panahon nina Sen. Robert Jaworski, Francis Arnaiz, at Chito Loyzaga si Gilbey’s Gin noong 80’s hanggang sa makuha ng Ginebra ang kauna-unahan nitong kampeonato noong 1986. Hindi rin niya makakalimutan ang 1991 dahil noong nagtapat ang Shell at Ginebra sa Finals, nagchampion pa ang Ginebra bagamat dehado sila sa 3-1 na kalamangan ng Shell sa serye.
Sa panig ko naman, nabuo ang aking paghanga sa Ginebra noong magwagi ang Ginebra kontra sa San Miguel Beermen noong 2006 All-Filipino Cup, at noong 2008 Fiesta Conference kontra Air 21. Sadyang di ko malilimot ang dalawang huling kampeonato na ito, dahil dito napakita ng Ginebra ang kanilang “never-say-die” attitude. Bagama’t naipanalo ng San Miguel ang unang dalawang laro, binalikan ng Kings ang katalo ng apat na sunud-sunod. Noong 2008 naman, halos injured na lahat ng players ng team kabilang na ang import na si Chris Alexander pero napwersa parin natin ang Game 7 at nakopo ang korona.
Dahil sa mga magagandang alaalang ito, dumami nang dumami ang mga tagahanga ng pambansang koponan. Hindi man puro superstars ang miyembro ng koponan, makikitaan mo talaga ang mga ito ng pagmamahal sa mga fans. Handa silang masaktan, manakit kung kinakailangan upang makuha lamang ang panalo. Kumbaga, larong-kanto man ang tingin sa laro ng Ginebra, hindi makakailang ito ang gusto ng mga tao.
Lumipas ang anim na taon, may dumating at umalis na mga manlalaro, at nagpalit ng coaching staff. May mga komperensyang nais nalang namin kalimutan at meron din namang mga pagkakataong napakamot nalang kami sa mga ulo namin dahil nasa Finals na tayo ngunit kinapos pa. Bilang isang Ginebra fan lubos kaming nagdadalamhati na hindi tayo nagchachampion. Halos di kami makatulog kaiisip sa laro. Pag-gising namin at pagdako sa aming mga eskwelahan at pinagtatrabahuhan, tampulan kami ng tukso ng iba na talunan nanaman tayo, magbabakasyon nanaman ang Ginebra sa Boracay, o tatanungin kami kung kangkong nanaman ang ulam namin sa tanghalian.
Tila nga nasa “dark-times” ang Ginebra basketball sa nakaraan na anim na taon. Marahil nagsawa na ang iba sa kahihintay at lumipat na sa ibang koponan ang iba. Di rin natin masisisi ang ibang players na nagtuturuan kung sino ang dapat sisihin sa pagkatalo natin, yung mga tipong player na “malambot at ayaw makipagpalitan ng mukha.” Pero sa kabila nito, sabihin na lang natin na we’re bound for greater things. Kailangan lang ng tiyaga.
Nagpapasalamat naman kami na iniisip niyo ang kapakanan ng fans dahil kumuha kayo ng magagaling na players tulad nina Willie Miller, Cyrus Baguio, JC Intal at iba pa na napatunay nang may ibubuga sa liga. Sa kinasamaang palad, tila hindi yata nag-swak ang laro nila sa koponan at hindi natin nagamit ang potensyal ng mga manlalarong ito upang manalo pa tayo ng maraming titulo. Bukod roon, simula ng umalis si coach Jong Uichico, hindi na tayo na nagkaroon ng permanenteng coaching staff. Nagpalitan sina Uichico at Siot Tanquincen sa coaching post noong 2010-2011, tapos pumalit si Coach Al Francis Chua (medyo nanghinayang ako rito dahil may puso siyang magcoach), Ato Agustin, at si Jeffrey Cariaso na kasalukuyang itinuturo ang triangle offense sa Ginebra.
Darating naman ang PBA Draft at malapit-lapit narin ang bagong season. Para sa akin, di naman natin kailangan kumuha ng maraming superstars sa koponan. Una sa lahat, hindi naman tayo bumubuo ng team upang manalo nang maraming laro sa eliminations lang. Kailangan talaga na masanay ang bawat players sa isa’t isa, yung tipong na kahit matalo, atleast natututo ng sama-sama at sabay-sabay babawi. Malakas na ang line-up ng Ginebra. Meron na tayong dalawang promising na big men na sila Japeth Aguilar at Greg Slaughter,at slashers and shooters na sina Mac Baracael at Chris Ellis. Di rin tayo kulang sa mga beterano, nandyan si LA Tenorio, Billiy Mamaril, at sina Mark Caguioa at Jay-Jay Helterbrand.
Kailangan rin natin ng sa support players na di man mga sikat sa pangalan, handa namang maglaro ng 100% percent upang kunin ang bawat rebounds para sa team. Kumbaga, meron dapat isa o dalawang hustle players sa team. Kung mamarapatin niyo, ito po ang ilan sa aking mga suggestions:
Ronnie Matias – subok na sa offensive rebounds at may tira rin sa labas
Gabby Espinas- mas brusko, halimaw rin sa rebound bagama’t undersized forward
Yousef Taha- Bago niyo tawanan tong suggestion na ito, tingnan niyo muna ang style of play niya. Swak rin sa play ng koponan.
Eto yung nasa wishlist ko:
Calvin Abueva- bagama’t medyo maliit pa ang chance na makuha ‘to, tingin ko maibabalik niya ang 90’s play ng Gins.
Paul Lee- Extra angas para sa koponan. Kailangan pa ba ng paliwanag?
Hindi ko naman ginawa ang liham na ito upang i-pressure kayo na magchampion na agad kayo next conference. Ang tanging hiling ko lang naman, hayaan niyo munang mag-grow ang team ng sama-sama sa same set ng players at coaching staff. Ito ang secreto ng Talk n’ Text kung bakit palagi silang nasa Finals at San Mig Coffee noong mag-grandslam sila – everyone stuck with the team through thick and thin. Kahit 3-11 ang maging record sa elims, o masilat man sa playoffs, hindi dapat trigger happy ang management na magpalit ng players o coach. Diba nga sa PBA, there’s no such thing as a weak team. Bawat koponan may equal chance na manalo. Sa parte naman ng Ginebra dapat magrespond kayo sa challenge na ito and give your 100% every game.
Alam kong hindi madali ang magchampion sa PBA. Madaling sabihin ng isang fan na, “magcha-champion kami this conference” o “magga-grandslam kami this season.” Alam ko ang hirap at sakripisyo na nilalaan niyo para sa team. Pero sabi na sa Bible “To whom is given, much is required.” You have all the means to win a championship now. Kung tutuusin sobra-sobra na ang talent na meron ang koponan at credible naman ang coaching staff. Pero hindi ito excuse para hindi na lagyan ang puso sa pagpapraktis at paglalaro.
Mas marami fans, higit na mas maraming kritiko. Ginebra yan eh. Kumbaga sa NBA, tayo ang Los Angeles Lakers. Palagi ang mata ng lahat nasa atin. Ngunit ang mahalaga, dapat sagupain natin itong pressure at kritiko hindi sa mga post sa Twitter kundi sa laro.
Narito parin po kaming mga galamay ng barangay. Huwag po kayong mag-aalala. Lubos parin ang aming pagtitiwala sa Ginebra at naniniwala po ako na malapit na muli nating marating ang tagumpay.
Ang inyong tagahanga at kabarangay,
Carlo Hizon
This was retweeted by Mark Caguioa
Retweeted by Mark Caguioa
Carlo Hizon @TrueCarloHizon · Aug 10
sir @officialMC47 coach @thejet_22 & @alfrancischua

No comments:

Post a Comment